Wednesday, December 5, 2018




Ang Parokya ni San Agustin o mas kilala rin bilang simbahan ng Baliwag ay isang Romano Katolikong simbahan. Ang simbahang ito ay isang parokya ng Diyosesis ng Malolos. Ito ay matatagpuan sa Plaza Naning, Poblacion, Baliwag, Bulacan.
Ang unang simbahan sa Baliwag ay naitayo noong ika-26 ng Mayo 1733 sa Sta. Barbara, Baliwag, Bulacan at si Fr. Mauel ang kauna-unahang pari sa parokya. Sa pagdating naman ni Fr. Esteban Diez Hidalgo sa Baliwag noong 1789, na siyang naging pinakamatagal na pari ng parokya, inilipat niya ang parokya sa kasalukuyan nitong lokasyon taong 1790 at natapos ang paggawa ng simbahan taong 1801.








Ang arkitektura ng Parokya ni San Agustin, sa loob o sa labas man, ay makikitaan ng pinaghalu-halong disenyo ng mga Espanyol at Latino-Amerikano na sinamahan pa ng mga katutubong disenyo ng mga Pilipino. Ang harapan ng simbahan ay naging kapansin-pansin dahil mayroon itong portiko na nagsisilbing panakip sa eleganteng pintuan ng simbahan.





Sa gilid naman ay makikita ang isang kampanaryo na idinagdag lamang noong taong 1979. Sa ibabang bahagi ng kampanaryo ay makikita ang rebulto ni Moises na hawak ang libro tungkol sa sampung utos ng Diyos. Kapansin-pansin ang malawak na espasyo na maaring pagparadahan ng mga sasakyan ng mga taong magsisipagsimba.





Ang lugar na ito, na isang dasalan, ay makikita sa labas ng simbahan (sa may gilid, bandang kaliwa). Ang lugar na ito ay maaring pagdasalan lalo na kapag sarado ang simbahan. Maaari ring mag-alay ng bulaklak ditto bilang tanda ng pagrespeto at ang ating paghingi ng tawad para sa ating mga kasalanan. Maaari rin tayong humingi ng lakas ng loob upang makamtan natin ang nais natin.





Ang kumbento ng parokya ay ibinalik sa dati nitong anyo noong taong 1993 na may makalumang disenyo na isang impluwensya ng mga Espanyol sa panahon ng pananakop nito. 






Ang altar ng Immaculate Concepcion na itinayo sa patyo ng simbahan noong 2003 na isang lugar kung saan maaaring dumulog ng panalangin ang mga tao. Maaari ring mag-alay ng mga bulaklak at magtulos ng kandila upang magbigay galang at magpakita ng respeto.




Ang Galeria San Agustin, isang souvenir shop, ay naipatayo noong ika-28 ng Mayo 1994 sa tulong ng Balibuntal Club ’94 at ng Parish Pastoral Council. Ito ay para sa mga bumibisita sa parokya upang Makita nila ang mga produktong maipagmamalaki ng simbahan katulad ng mga porselas, rosaryo, bibliya at mga rebulto ng santo. At upang malaman ng mga bumubusita ang kasaysayan ng Parokya ni San Agustin.

4 comments:

  1. Salamat po sa info about sa parokya de san agustin

    ReplyDelete
  2. Salamat sa info sa parokya de san agustine

    ReplyDelete
  3. Salamat sa info na iyong binigay saamin

    ReplyDelete
  4. very informative, this will help the young generation specifically the baliwagenyo to know the history of St. Agustin Church

    ReplyDelete