Ang
Parokya ni San Agustin o mas kilala rin bilang simbahan ng Baliwag ay isang
Romano Katolikong simbahan. Ang simbahang ito ay isang parokya ng Diyosesis ng
Malolos. Ito ay matatagpuan sa Plaza Naning, Poblacion, Baliwag, Bulacan.
Ang
unang simbahan sa Baliwag ay naitayo noong ika-26 ng Mayo 1733 sa Sta. Barbara,
Baliwag, Bulacan at si Fr. Mauel ang kauna-unahang pari sa parokya. Sa
pagdating naman ni Fr. Esteban Diez Hidalgo sa Baliwag noong 1789, na siyang
naging pinakamatagal na pari ng parokya, inilipat niya ang parokya sa
kasalukuyan nitong lokasyon taong 1790 at natapos ang paggawa ng simbahan taong
1801.
Ang
arkitektura ng Parokya ni San Agustin, sa loob o sa labas man, ay makikitaan ng
pinaghalu-halong disenyo ng mga Espanyol at Latino-Amerikano na sinamahan pa ng
mga katutubong disenyo ng mga Pilipino. Ang harapan ng simbahan ay naging
kapansin-pansin dahil mayroon itong portiko na nagsisilbing panakip sa
eleganteng pintuan ng simbahan.
Sa
gilid naman ay makikita ang isang kampanaryo na idinagdag lamang noong taong
1979. Sa ibabang bahagi ng kampanaryo ay makikita ang rebulto ni Moises na hawak
ang libro tungkol sa sampung utos ng Diyos. Kapansin-pansin ang malawak na
espasyo na maaring pagparadahan ng mga sasakyan ng mga taong magsisipagsimba.
Ang
lugar na ito, na isang dasalan, ay makikita sa labas ng simbahan (sa may gilid,
bandang kaliwa). Ang lugar na ito ay maaring pagdasalan lalo na kapag sarado
ang simbahan. Maaari ring mag-alay ng bulaklak ditto bilang tanda ng pagrespeto
at ang ating paghingi ng tawad para sa ating mga kasalanan. Maaari rin tayong
humingi ng lakas ng loob upang makamtan natin ang nais natin.
Ang
kumbento ng parokya ay ibinalik sa dati nitong anyo noong taong 1993 na may
makalumang disenyo na isang impluwensya ng mga Espanyol sa panahon ng pananakop
nito.
Ang
altar ng Immaculate Concepcion na itinayo sa patyo ng simbahan noong 2003 na
isang lugar kung saan maaaring dumulog ng panalangin ang mga tao. Maaari ring
mag-alay ng mga bulaklak at magtulos ng kandila upang magbigay galang at
magpakita ng respeto.
Ang
Galeria San Agustin, isang souvenir shop,
ay naipatayo noong ika-28 ng Mayo 1994 sa tulong ng Balibuntal Club ’94 at ng
Parish Pastoral Council. Ito ay para sa mga bumibisita sa parokya upang Makita
nila ang mga produktong maipagmamalaki ng simbahan katulad ng mga porselas,
rosaryo, bibliya at mga rebulto ng santo. At upang malaman ng mga bumubusita
ang kasaysayan ng Parokya ni San Agustin.
Salamat po sa info about sa parokya de san agustin
ReplyDeleteSalamat sa info sa parokya de san agustine
ReplyDeleteSalamat sa info na iyong binigay saamin
ReplyDeletevery informative, this will help the young generation specifically the baliwagenyo to know the history of St. Agustin Church
ReplyDelete